Hazards Identification

Nagtanong ako sa mga Barangay Officials ng Brgy. Bangad sa mga kalamidad at bantang panganib na tumama sa aming lugar.

Bagyong Santi

Photo taken on October 14, 2013 by Len Joson
Retrieved from https://lenjoson.com/typhoon-santi-wreaks-havoc-nueva-ecija/
Photo taken on October 14, 2013 by Len Joson
Retrieved from https://lenjoson.com/typhoon-santi-wreaks-havoc-nueva-ecija/

Gabi nang maglandfall ang Typhoon Nari o mas kilala bilag Bagyong Santi noong Oktubre 11, 2013 sa Dingalan, Aurora na karatig probinsya lamang ng Nueva Ecija.

Ang bagyong ito ay nagdulot ng matinding pinsala sa Nueva Ecija sa aspetong pangkabuhayan, pangangailangang physiological, at iba pa.

Nagpakawala ang Dam ng Magat o Magat River Basin dahil sa weather disturbance kung kaya’t mas lalong naapektuhan ang mga pamilyang nasalanta.

Kasama ang Brgy. Bangad sa mga nasalanta ng bagyo at isa ako sa nakaranas kung gaano makapaminsala ang naturing na deadliest typhoon ng 2013. Maraming puno at poste ang nabuwal at natumba, may mga bahay rin na nawalan ng bubong, at higit sa lahat ang poultry ay bumagsak—may karga itong mga manok.

Sabi sa akin nina Kuya Melchor, marami silang nairescue na residente ng Purok Champaca, Purok Casiong, Univille Subdivision, at ang mga pamilya na malapit sa sapa ng Bangad. Pinagtulungan nilang i-evacuate ang mga taong nasa mababang lugar tulad ng mga purok na nabanggit. Upang mas maayos na maisagawa ang pagtulong sa kababayan, pinagtataga nila ang mga nabuwal na puno at nang mas mapadali ang pagrescue sa mga ito.


Epekto ng Bagyong Santi sa Kasalukuyan

Ang kabuuan ng Barangay ay nagkaroon ng mas maayos na drainage system, ito ay ang mga kanal at irigasyon dinadaluyan at pinag-aagusan ng tubig. Naging maayos at epektibo pamamalakad ng Barangay at ng Siudad pagdating sa Disaster Preparedness.

Nakakatanggap ang Barangay Captain ng mga text messages galing sa Council ng Cabanatuan patungkol sa posibleng pagbaha dulot ng nagbabadyang bagyo. Gawain ng Barangay Captain na si Capt. Mariel Martinez na ideploy ang kaniyang mga opisyal at tanod sa iba’t ibang parte ng Bangad. Nagbibigay sila ng warning sa tao kung kailan mag-eevacuate.

Mayroong sari-sariling radyo ang bawat Barangay Tanod sa Bangad. Mayroon ring sirena o alarm na maririnig sa buong Barangay kapag umabot na ang baha sa nakatakdang water level nito.

Sabi rin sa nakapanayam kong mga Barangay Officials, kapag nagpakawala ang dam ay otomatikong babahain ang mga mabababang lugar sa Bangad. Ito raw ay manggagaling sa bukid at sa sapa ang tapon. Ang sapa na mayroon ang Barangay ay man-made at natural lamang. Ito ay hinukay lamang at hindi ginamitan ng konkretong semento.


Malimit na Pagbaha

Ang Barangay Bangad ay mataas at hindi agaran kung bahain ‘man, kung kaya’t ang mga bahay lamang na nakatirik sa mababang parte ang siyang madaling pasukin ng tubig.

Ang pagbaha sa aming Barangay ay dulot ng mga mapaminsalang bagyo na hindi naman maiiwasan. Malimit itong bahain dahil may maayos na drainage system ang aming Barangay.

Leave a comment